★~Batang 90's ka ba?
Saturday, May 03, 2008 ★ 9:16 PM;
From
Bella @ multiply
• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol. -- You have no idea kung pano ako na-addict sa tex at pog. :P Pero i'm a true-blue tex girl and Voltes 5 pa ang uso nung mga panahong yun. May baklang carrying case pa ako nun... at ang laman? Why, TEX op cors!! :))
• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. -- akala ko dati wala lang yung mga fortunes. But I did collect them, saksak sa bulsa, then malalabhan, tas magkakalimutan na. :))
• Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. -- HAHAHA! I remember this! Nagbebenta kami nyan dati, syempre ako buena-mano tapos ipagyayabang sa kapitbahay tapos bibili din sila. INSTANT PROMOTION!! XD
• Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. -- Feeling ko kasi dati, masculine talaga ako. Naalala ko pa yung unang pellet gun ko, tinatago ko pa sa briefcase na pinamana ni mama. Feeling mafia lord ako nun eh, puro boys kalaro ko.
• Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store.
• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. -- Tumigil ako nung dumikit yung watusi sa kamay ko, never na ulit ako humawak. *trauma*
• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. -- HAHAHA! Sikat ka sa school niyo pag ganun sapatos mo dati! As in ayaw mo pang iapak sa putik o di kaya mabasa kasi precious sayo yung sapatos.
• Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. -- Unang pumusta ako sa NBA championships kapalit ng 1 litre coke na mananalo ang Chicago Bulls. :)) At syempre, nanalo nga sila. Binida ko pa ang galing ni Michael Jordan. Oha!
• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. -- TRUE!! At ayaw na ayaw ko kapag pinapatulog ako, dun ako natutong magtulug-tulugan. Haha.
• Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. -- Haha. Natatakot talaga ako nun sa pari na lalabas!! Tapos isang beses pinilit ko siyang palabasin, just imagine that. Ayun, dumugo lang ng dumugo ang sugat ko.
• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha. -- YAHAHAHAHAK!! Pero oo, meron nga ako nung hairclips na may spring pa para nagmumukhang nagfflutter yung butterfly. lmaoo. Ginawa akong bakla ng magulang ko nung bata pa ko.
• Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. -- Average family lang kami nun eh, kaya pinaghirapan ko ang una at huling Polly Pocket ko... kinailangan kong maging 1st honor nung prep. Nasabaw ang utak pero ayos lang, may Polly Pocket naman. :)
• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. -- HAHAHA!! at nanganganak na yung Kisses!! May hybrid pa na two colors in one. I remember the days. :]
• May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. -- Pinutakte ko ang ref namin ng mga stickers na yan. Wala pa kasing Lucky Me noon kaya Maggi ang paborito ng mga bata.
• Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. -- Ditto. Hanggang ngayon.
• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. -- Tumpak!! Hindi nga pwede ipamigay yun dati, trade lang talaga. Yun lagi ko hinihinging pasalubong sa tita ko, stationary maliban sa comics. :]
• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. -- Wala akong Tamagotchi, can't afford kami nun eh at tate elementary na ko nung nagka-Game Boy kami kaya na-master ko na yung Brick Game na A to Z pa yung version. Yeaba!! :P
• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. -- AMEN.
• Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". -- Hanggang ngayon nag-lliars go to hell parin ako. :P Haha. Hindi ko naranasan yung "akin yung factory ng pambura" pero nadaanan ko yung Period no erase. :))
• Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. -- Naiinggit ako sa kaklase ko dati kaya nagpabili din ako, tapos ayun na, nagsimula dun ang addiction ko sa ballpen. Ang layoooooo~haha.
• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. -- Uso nga yun dati, pero prescribed kasi yung notebook namin kaya hindi ko to nasubukan.
• Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. -- True! At yung tumbler na instant nag-ppop out yung straw. WINNER!! XD
• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. -- Hanggang imit lang ang kinaya naming bilhin. At naki-Baby G ang ako dahil kontrabida sa buhay ko dati ang mga orasang de-kamay.
• Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
• Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. -- Haha! Meron nga! Pero di naman siya yung pinakamalaki!! :))
• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. -- OMG!OMG!OMG!! Family Computer FTW!! Hihipan mo pa yung cartridge pag ayaw gumana tapos instant okay na pag nahipan. Isama mo pa sa uso yung Bomber Man. :] Panalo talaga. XD
• Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. -- May Troll ako dati at nagwwish pa ko sa kanya. :P Syempre hindi mawawala ang FC, Nintendo, Sega (SONIC!!! XD), Brick Game at ang paborito ko sa lahat... ang roller blades. X3~
• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". -- Banal na aso, santong kabayoooooo!!!
• Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries. -- Nasan ang Bizarre Love Triangle na may kasama pang choreo pag kinanta?
• Sumasayaw ka ng Macarena. -- No choice. Kasama sa program sa school yun eh.
• Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. -- :)) Hindi naman ako umabot sa cassette & posters stage, pero natuwa ako nung may free Spice Girls concert CD yung component na binili namin.
• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. -- a1. Kras na kras ko nun si Ben Adams. WAKOKOKOKOKOKO~
• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands. -- I miss those years.
• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. -- at kung mamalasin ka pa, kinakain ng player niyo ang cassette mo. WASAK!
• Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc. -- I love Tell the world of his Love. Kanta yun nung dumating si Pope John Paul II. At syempre may mga hand movements pang kasama yung pagkanta.
• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. -- Ninja Tartoooools!!! XD FTW!! Op cors, crush ko nun si White Ranger kaya gusto ko ako si Kimberly (Pink Ranger) kasi sila yung lumalabteam. HAHA. Captain Planet = RPN9!!
• Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. -- APRUB!!
• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. -- Walang kupas. Pero favorite ko nun si Dennis at si Trunks. :)
• Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!" -- Uyy. In fairness, minemorize ko yun.
• Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.." -- Highlights of otaku-ness!! XD Sobrang favorite ko yung Sailormoon dati kahit hubad sila pag nagttransform. lol.
• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. -- Dahil dun naging favorite ko si Camille Prats. Gustong-gusto ko yung mga damit nila sa movie. Dun unang nabuo sa isip ko na gusto kong pumunta sa Inglatera. :P At teka, isama mo pa dyan si Remi.
• Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban. -- Op cors. At ayaw ko kay Angelica Panganiban dahil sa role niya dun.
• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena. -- PONG PAGONG AT KIKO MATSING!! X3.
• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima... • Napanood mo ang Batang X. • Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
• Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles". -- all of the above!!
• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. -- Gladys Reyes, the classic kontrbida.
• Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp. -- Esperanza lang naaalala ko.
• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. -- Haha. OMG. Mas kinilig pa ko kay Piolo-Juday. Kaso bakla na si Piolo. :| WASAK!
• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."• Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". -- Nasa dugong Pinoy na talaga si Jobee.
• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. -- HAHA! OO! Wala pang cable!!
• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. -- Nagdasal pa ko nung New Years Eve na sana wag isama ni Lord yung pinakamamahal kong computer na low-tech. :)
• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. -- Naalala ko yung Chinese Cooking Show na madalas kong panoorin kasi mukhang masasarap yung niluluto. :DD
• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. -- Panalo si Aiza at Manilyn Reynes! Yung mga classic SRR parin ang the best, yung mga bago naging corny na.
• Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." -- Nasa service ako nun at pag yun yung pinapatugtog, umiiyak ako.
• Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. -- Wala pang dibidi boss. :P
• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. -- Haha. So true. Super crush material talaga si Leonardo di Caprio. <3.
♥ 
~ Saving the World before doing homework.
|