★~`kabanata 1.
Friday, August 29, 2008 ★ 10:31 PM;
Sa halip na nag-aaral ako ngayon at nagpapakasabaw sa Philippine Constitution,
heto ako't nagbblog. Magaling na bata. Tsk tsk tsk.
Kamusta naman ang buhay ko? --
MASAYA. Napaka-unpredictable. Magulo pero masaya.
Wasakan ako sa buhay kolehiyo ko, ewan ko ba. Kung kelan napapalapit na ang graduation saka naman ako nag-iinarte ng ganito. Mas lalo kong narealize na mali talaga ang napuntahan ko, sobrang mali. Pero andun na ko at matatapos na, aatras pa ba?
Chapter I.
Walking Sunshine RadiatorAyun, nagkita kami ni Manong Shiro kanina. Haha~ at syempre, ang Donya ninyong lingkod ay nagpaka-dork na naman. aysus! re: pagtawid sa kalsada., ewan ko ba kung
bakit sa tuwing tatawid nalang ako e parang hinihintay ko pa na lumapit yung paparating na sasakyan bago ako tumawid. DAREDEVIL talaga ang dating. Parang yung ginawa ko sa national highway sa Macapagal Ave na kung saan malapit na kong masagasaan ng rumaragasang bus. Isa kang epiko Donya Victorina, epiko. *palakpakan*
Salamat Manong sa Neon Genesis Evangelion episodes, sa Mixtape err.. MixDVD at sa yakult. Haha! At sa karagdagang pangalan ko na naman --
Walking Sunshine Radiator. *apir!*
Chapter II. Nagkanda-leche leche na.Mag-iisang linggo na ata akong nagccrave sa leche flan. >___<
P.S. Hanggang ngayon hindi padin ako nakakakain ng leche flan. Hindi kami para sa isa't-isa. :(
Chapter III. ReunionBukas na ang kanilang reunion concert at hindi ako makakapanood. Dapat bitter na ako ngayon. Pero no bad feelings. Ang mahal naman kasi ng ticket -- nataon pa na urban poorest of all poor ako.
"
Pulubi na ang Donya. Ibebenta na ang imaginary hacienda."
Chapter IV. Steampunk RevolutionMuling nabuhay ang aking obsession sa Goth-Steampunk. Ang susunod na misyon, matutong manahi para makagawa ng steampunk-themed get-up. Ayos!.,XD Nabuhay muli ang post-apocalyptic steampunk images na naglalaro sa utak ko. Ngayon gusto ko na magpayaman para masunod ko ang steampunk luho ko. At may naisip na rin akong steampunk name ko, pero secret ko na muna yun. *shhhhh*
Chapter V. Domo Sgt. Keroro! XDHala ka~ tinamaan na nga ata talaga ako. Naubos ang buong umaga ko kakatambay sa DA para magtingin ng Keroro Gunsou fanart. Busog na busog ang mga mata. At may link nadin ako sa manga nito at episodes sa youtube! Napakahusay! ^__^~
P.S. Salamat Rapidblade sa link ng Keroro Manga! *Kerorohug*
*
Bonus ChapterWasakan na talaga sa Plurk. All-star cast ang drama. Naging si Judy Ann ako bigla. ROFR. Naalala ko naman tuloy ang Albert/Andrew fandom ko. *kilig* Hahaha! Sino na naman kaya sa mga darating na araw? Wasak tayo mga Plurk friends~ 90s ang trip natin. Pati si Rico Yan binuhay natin sa plurk. Wasak na wasak!~
P.S. I-add nyo ko sa plurk kung meron din kayo. [
plurk]
Chapter VI. ReminderBigla ko nalang napagtanto na mahaba na ang buhok ko (well, mahaba na siya sa usual hair length na nakasanayan ko)., at hindi pa din pala ako nakakapagpa-gradpic. Nagpustahan kami ni nichan Rapidblade na papahabain ko ang buhok ko hanggang Diciembre. ROFR~ mababakla ako in the process. Goodluck nalang sa kin~ sana manalo ako. *i doubt.*
O WEL, hanggang dito nalang muna at mahaba pa ang babasahin ko para sa exam bukas. xoxo~
♥ 
~ Saving the World before doing homework.
|