★~fast forward rewind Part 1.
Tuesday, October 28, 2008 ★ 11:57 PM;
Isang linggo na rin pala ang nakakaraan magmula nung umuwi kami nina Solomon, Renie, Tejal at Akelle galing
Baguio *haylabjoo cold climate~xoxo* -- pero
PHAIL parin ang aking ipinangako sa aking sarili na magsusulat ako ng blogpost tungkol sa aking makasaysayang sembreak-slash-bakasyon engrande. Well, babawi na ako at eto na yun.
Ano:
Day of DeparturePetsa: October 18, 2008 -- Saturday
Lokasyon: Mogwai, Cubao X || Victory Bus Liner Cubao Terminal
Eto ang araw ng aming pag-alis. Maaga akong dumating sa terminal para kunin namin ang aming mga tickets. Dismayado ako dahil hindi ko nakita ang aking nanay bago man lang ako umalis papuntang Baguio. T____T Pagkatapos kunin ang mga dapat kunin,
Mogwai mode naman~ tumambay kasama sina Eman, Ivanjoseph at Jaypee. Tinupad nila ang kanilang pangarap na kumain ng Nachos. Haha. At masarap ang Exquisit(?), basta yung cola na kulay blue. Pagdating ng alas diyes y media, balik na sa terminal. Lalarga na ang bus. Paalam Manila. Baguio, humanda ka.
Habang nasa byahe inaabangan namin mag-alas dose para batiin si Jaypee ng Happy Birthday. Ako naman ay di makapakali kakaisip kung matutupad ba ang pinlano kong surprise para sa kanya. *
fingers-crossed*
Nagkwentuhan sa bus.
Nagkwentuhan.
Nagkatakutan.
Nagkulitan.
Nang biglang nagtext si Fuschia, "
mission accomplished daw sabi ni Eman".
Ang tuwa ko ay walang mapaglagyan. ^____^
Salamat Alodia at pinagbigyan mo ang aking request na batiin ang fanboy mo na si Jaypee. Haha. *
pisu* vlaire~!
At natulog.
Isang commercial break: Kagabi lang nalaman ni Jaypee na ako ang may salarin kung bakit siya binati ni Alodia. Haha. Nagtext pa siya sa akin ng Thank You pagkauwi ko galing Brewrats. Na-tats ako. Walang anuman. *
sniff sniff* XDDD Masaya ang may napapasaya. Period.
Petsa: October 19, 2008
Lokasyon: The Summer Capital op da Pilipins, Baguio!
Okay, balik sa aking kwento...
Dumating kami sa Baguio ng madaling araw. Medyo Malamig.
Naglakad. Naglakad. Naglakad. Hanggang sa makahanap ng 24hr na resto at dun sila kumain. Ako, naki-wifi lang.
Plurk beybeh~!
Pagkatapos nun pumunta na kami dun sa bahay na tutuluyan namin. Yes. Solo ko ang isang kwarto. *
ah. the feeling of freedom!* LOL~ :)) Di na muna kami natulog, imbes nagpunta nalang ng
Mines View Park at nanguha ng litrato. Kakaiba talaga pag nakakita ka ng puro green lang, tapos bundok-bundok; mataas ang araw at parang cotton kendi ang ulap. *
AHHHHHHH~* Pagkatapos nun naglakad lakad kami, first time kong maranasan yung paghuminga ka e umuusok yung hininga mo. Hahaha. *ignoramus* Nakakatuwa. Parang nagdidiwang ang mga anghel sa ulap. LOL. Tapos sumakay na ng FX-slash-taxi papuntang
Burnham Park (Nga pala, mura lang ang mag FX-slash-taxi dun. Sulit na sulit.) Nakita ko ang maraming bike na di nawawala sa eksena kapag may pelikula o tv drama na sa Baguio shinu-shoot. Amazing. Parang mga bike lang around CCP, ang pinagkaiba lang eh nasa mas mataas na altitude ang mga bike sa Baguio. *labo*~ Anyways, hightide ang lake kaya di advisable mag-boating. At takot din akong malunod, isa pa yun. Kaya nag-ikot nalang kami, nagpichur ulit tapos nag-almusal. Laftrip kami habang kumakain. Medyo sabaw dahil inaantok na. Kaya pagkatapos kumain, umuwi na muna kami para matulog.
Fast forward.Nagising ng bandang tanghali. Umakyat ng Mines View para maglunch, sina Tejal at Akelle lang ang kumain ng kanin. Kaming tatlo nina Solomon at Renie, nagtiyaga sa nilagang mais at ice cream. Oha. Tapos balik ulit sa bahay para magpahinga at magcamwhore (isang napakabuting gawain. Bow.)
Kinagabihan, nag
SM Baguio kami para maghapunan at para narin sa photo ops. Naiwan ni Solomon ang tripod pero keri parin. Tokyo-tokyo dinner. Na-meet namin si "
RA liit" na super cute. Nakipagcamwhoring kami kasama siya. Nakakatuwang bata. *
glomps*
<3333~XD Pagkatapos kumain, umuwi na kami. Nagkulitan, nagkwentuhan, nagcamwhoring ulit, nagtakutan hanggang alas-dos ng madaling araw tapos natulog na kami. Hahaha. Maaga daw gigising pero napasarap ang tulog naming lahat at tanghali na kami nagising. (
Note: Marasap matulog sa Baguio. I swear.)
Bukas naman ang Part 2. Pagod na ang mga brain cells ko.
♥ 
~ Saving the World before doing homework.
|