★~Bato.
Saturday, May 24, 2008 ★ 1:02 AM;
Umiyak na naman ako kanina. Wala lang. Nilamon na naman ako ng kalungkutan. Nagdasal nalang ako ng madiin.
"...parang awa mo na Lord. Ayaw ko na po."
Kung ano man yun, bahala na. Napagod lang talaga siguro ako.
Bato na kung bato ang puso pero ang bato, nadudurog din. Tagos. Swerte ko nalang at nagagawa ko pang mag-isip ng maayos kahit labo-labo na. Medyo matatag lang siguro ako sa panlabas, pero wasak na wasak na sa loob. Kung sino mang gustong umampon sa kin, GO.
Hindi na ko nakaligo sa lungkot ko. Nag-IRC nalang at naki-chat sa mga ka-brew. Masaya. Panandaliang ibinaon ang problema sa limot. Hindi parin makatulog. Nagcomment si Direk RA Rivera sa multiply ko. Idol. xD May lomo lecture sa High Street bukas. Gusto ko pumunta. Gusto ko ding pumunta sa Cubao X. Sana may
peys akong pambili ng bagong camera. At andito sa bahay ang tatay ko. Sana di pa niya nakakalimutan yung sinabi niya.
Hindi parin ako makatulog.
Kahit gustong-gusto ko na.
Lalo na kung panghabangbuhay na tulog na.
♥ 
~ Saving the World before doing homework.
|